Ang mga bata sa buong daigdig ay nabibigyan na ngayon ng pansin ng mga taong nagmumula sa iba't-ibang sektor ng ating lipunan. Maging itoý pampulitika, pangkabuhayan, pangkultura, pang-edukasyon, pangkalusugan at panlipunan.
Sila ay may karapatang mabuhay sa mundo. Hindi porket sila ay bata ay tatangalin na natin ang karapatan nilang mabuhay at maging masaya sa mundo. Ang karapatang magkaroon ng pamilya na mag aalaga aat mag aaruga sa kanila. Ang magkaroon ng magandandang edukasyon na syang kayamanan na hindi mananakaw ng ibang tao sa kanila hanggang sa kanilang paglaki. Sila din ay may karapatang palawakin ang kanilang mga oportonidad na ipalabas ang kanilang mga natatanging talento at galing sa anumang bagay na kanilang ni nanais. Ang mabigyan ng sapat na pagkain ang tirahan. Ang karapatang makapaglaro. Ang bigyan sila ng proteksyon laban sa mga taong mapagsamantala at sa panganib. Ang bigyan sila ng matahimik na pamumuhay at ang karapatang makapili at pumili. Itoy ang mga karapatan na di natin dapat ipagkait sa kanila. Ang mga karapang ito, ay mahalaga sa kanila upang maging magandaa ang kanilang pamumuhay at mahubong ng husto ang kanilang pagkatao. At ng sa gayon ay sila ay mapunta sa tama at wastong daan na dapat nilang mapuntahan patungo sa kanilang paglaki.